^

Bansa

Walang suspension order vs Gatchalian - Ombudsman

-

Itinanggi kahapon ng Office of the Ombudsman na naglabas sila ng order na nag-uutos kay Valen­zuela City Mayor Sherwin “Win” Gatchalian na bu­maba bilang alkalde ng lungsod dahil sa kasong isinampa laban dito ng isang construction firm.

Nakasaad sa sulat na nilagdaan ni Dominga B. Barasi, hepe ng central records division ng Ombudsman, pinabulaanan nito na may ipinalabas silang susension order laban kay Gatchalian. 

Kamakailan ay nalat­hala sa ilang pahayagan ang tungkol sa pagsu­suspinde kay Gatchalian bilang alkalde ng lungsod dahil sa kasong isinampa ng R. C. Ramos Construction Corp. sa hindi umano pagbabayad ng balanse sa kontratang inabutan ng alkalde nang maupo ito noong 2004.  

Sa executive summary ng Office of the Ombudsman, tama at legal ang naging aksiyon ni Gatcha­lian at ang dapat na mag-ayos ng usapan ay ang R. C. Ramos Construction  at si dating Mayor Emmanuel “Bobbit” Carlos dahil ang kontrata ay noong pana­hon pa ng panunungkulan ng huli. (Butch Quejada)

vuukle comment

BARASI

BOBBIT

BUTCH QUEJADA

CITY MAYOR SHERWIN

DOMINGA B

GATCHALIAN

MAYOR EMMANUEL

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

RAMOS CONSTRUCTION

RAMOS CONSTRUCTION CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with