2 Pinay nahulihan ng heroin sa HK

Dalawa pang Pinay ang nahaharap ngayon sa kasong drug trafficking sa Hong Kong. 

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang dalawa na sina Vilma Tambogon, 35, may-asa­wa, tubong Panga­sinan at Michelle Gabriel, 27, da­laga, ng Baguio City.

Si Tambogon ay na­aresto umano sa Chek Lap Kok Airport noong Marso 26 matapos ma­kum­piska sa bagahe nito ang 3.1kg ng heroin na pawang nakalagay sa secret compartment ng kan­yang maleta.

Si Gabriel naman ay naaresto rin sa Hong Kong Airport noong Marso 30 at nakuha sa pag-iingat nito ang 5.5kg ng heroin sa kanyang mga dalang ga­mit.

Ang dalawang Pinay ay nakatakdang humarap sa pagdinig ng kanilang mga kaso sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, pina­ yu­han ng DFA ang mga OFW sa HK na mag-ingat sa mga ipinapa­dalang baga­he sa mga ito na karani­wan na umanong sinisingi­tan ng droga.

Sa tala ng DFA, mara­ming OFWs ang napaha­mak bunga ng ipinakisu­yong bagahe sa kanila. (Joy Cantos)

Show comments