Poll automation senyales ng pagbuti ng demokrasya - Gordon
Iginiit kahapon ni Sen. Richard Gordon na ang P525 milyong kontrata para sa poll automation ng ARMM election sa Maguindanao na nakuha ng Smartmatic ay sen yales ng pagbuti ng demokrasya.
“I am happy for the country and for our peo ple with this significant progress in our democratic life. With computers in the precincts, our fellow Filipinos in the ARMM are assured that their votes will be counted and counted fast possibly within the hour and their right to choose their leaders protected,’’ paliwanag pa ni Gordon, chairman ng oversight committee on Automated Election Systems.
Sa ilalim ng kontrata ng Smartmatic sa Com mission on Elections ay ito ang magsusuplay ng Direct Recording Electronic (DRE) system para sa August 11 ARMM polls sa Maguindanao area habang ang 5 lalawigan naman ay kasalukuyang dinidinig pa ng Comelec kung kanino mapupunta ang kontrata sa poll automation. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending