^

Bansa

Sen. Gordon hugas-kamay kay Barbers

-

Hugas kamay si Senator  Richard Gordon sa isyu ng pag­kakatanggal ni Philippine Tourism Authority General Manager Robert Dean Barbers sa pu­westo kung saan  tinanggihan  niya ang pagkakatalaga kay Tourism Secretary Joseph Ace Durano bi­lang  officer  in charge ng nasabing ahensiya.

Ayon kay Gordon, chairman ng Senate committee on Tourism, bagama’t kinondena niya ang mga ka­walan ng  PTA  hinahangaan naman niya ang na­ging pamumuno ni   Barbers dito.

 “I remember when I was still the DOT Secretary, even though I would sometimes admonish him but I remained as a believer in his capabilities  and potentials. Pinapagalitan ko yan pero mahal ko ang batang yan, ma­rami siyang nagawa. He should be congratulated to that,” ani Gordon.

Isa sa mga tinutu­koy ni  Gordon ay ang  bagong  tayong Ocea­narium na mas lalo pang nagpatingkad ng  turismo ng  bansa.

 Binigyan diin pa ni  Gordon na simple la­mang ku­milos si Barbers subalit nagawa umano nitong pataasin ang kalidad ng  turismo sa bansa. Nabatid na sa ilalim ni Barbers malaki ang kinita ng PTA mula P25.047 mil­yon noong 2002 at umak­yat ito ng  P40.368 milyon  noong 2007.

Sinabi ni Gordon na sapat na itong ba­tayan upang panati­lihin si Barbers sa PTA ha­bang naghahanap pa ng kanyang kapalit o humanap ang Mala­kanyang ng isang tulad ni  Barbers na hindi naman pulitiko. Hindi din pabor na maitalaga si Durano sa puwesto.

AYON

GORDON

PHILIPPINE TOURISM AUTHORITY GENERAL MANAGER ROBERT DEAN BARBERS

RICHARD GORDON

SHY

TOURISM SECRETARY JOSEPH ACE DURANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with