Certificate ng pumasa sa retake ng nursing exam ipapalabas na

Sisimulan na ng Department of Labor and Employment ngayong Mayo 7 ang pag-iisyu ng mga certificate sa mga pu­masang examinee sa nakalipas na December 1-2, 2007 DOLE-initiated voluntary retake examination ng Tests III at V ng June 2006 Nursing Licensure Exams.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Marianito Roque, ang mga naturang certificate ay idi-distribute mula 9:00 ng umaga hang­ gang tanghali at mula 1:30 hanggang 4:30 ng hapon.

Maaari umanong ma­kuha ng mga puma­sang examinee ang ka­ni­lang certificate sa Office of the Secretary na mata­tagpuan sa pu­nong tang­gapan ng DOLE sa Intra­muros, May­nila o sa regional offices nito at ang ki­nakailangan la­mang ay magprisinta ng kanilang Professional Re­gu­la­tion Commission License.

Nabatid na umaabot sa kabuuang 1,131 nurses na binigyan ng lisensiya sa June 2007 NLE ang bo­luntaryong kumuha ng retake noong December at 729 o 64% lamang sa ka­nila ang nakapasa.

Narito ang iskedyul ng pagre-release ng individual Certificates: May 7, 2008 - Abad – Bendo; May 8, 2008 - Bergado – Daya­won; May 9, 2008 - De Guzman – Ganay; May 12, 2008 - Gantang­ co – Luna; May 13, 2008 - Lusis – Pa­deres; May 14, 2008 - Padilla – Saloria; at May 15, 2008 - Samia – Zolina. (Mer Layson)

Show comments