Arraignment ni Nani iniliban

Ipinagpaliban kaha­pon ng Sandiganbayan ang pagbasa ng de­man­dang robbery la­ban kay dating Justice Secretary Hernando “Nani” Perez at sa tatlo pang kasamahan nito.

Itinakda muli ng korte sa Mayo 23 ang arraign­ment nina Perez, asawa niyang si Rosa­rio, Er­ nest Escaler at Ramon Arceo.

Nakarating sa korte kahapon sina Escaler at Arceo pero wala ang mag-asawang Perez kaya ipinagpaliban ang kanilang arraignment.

Sinabi ng abogado ni Rosario na personal na gagawin ng kan­yang kliyente ang pleading nito kapag nakaharap ito sa korte.

Ayon kay Perez,  may sakit ang kanyang misis na ginagamot sa kasalu­kuyan sa stage 2 cancer. 

Pinuna ni Perez na ipinursige pa rin ng Ombudsman ang pag­sa­sampa ng kaso sa korte kahit umatras ang nag-iisang testigo rito.  (Angie dela Cruz)

Show comments