^

Bansa

CHED nagpasaklolo sa NBI

-

Ihihingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ng  Commission on Higher Education (CHED) upang mas mabilis na masugpo ang sindikato ng mga namemeke ng diploma sa bansa.

Ayon kay CHED Chairman Romulo Neri, na naka­takda na silang maki­pagpulong sa NBI upang mas mapadali ang paghuli at pagpigil sa mga nami­mirata ng diploma ng mga taong nagnanais na maka­pasok sa anumang trabaho subalit hindi naman na­katapos.

Dagdag pa ni Neri na hindi kakayaning mag-isa ng komisyon ang pagtugis sa mga illegal na guma­gawa ng mga diploma dahil sa kakulangan ng police power.

Bukod sa paghingi ng tulong sa NBI para ma­sugpo ang nasabing suli­ranin ay naglaan na ang CHED ng P30 milyon para sa pag-a-upgrade ng kanilang information system na kinabibilangan ng mga datos ng graduate students sa lahat ng uniber­sidad sa bansa, pagba­balita ni Neri.

Matatandaang noong nakaraang taon naging suliranin din ng CHED ang pagbuwag sa tinaguriang “Recto University” kung saan matatagpuan at lantarang operasyon ng sindikato na nag-aalok ng mga pekeng diploma sa mga nais magpagawa nito sa napakamurang halaga.

Bukod sa NBI, nauna ng humingi ng tulong ang pamunuan ng CHED sa pulisya  para tuluyan ng mabuwag ang tinatawag na “Recto University”.

Paliwanag ni Neri na dahil sa pamemeke ng mga diploma nadudu­ngisan ang  integridad ng mga institusyon, uniber­sidad at maging ng komis­yon kaya ito kinakaila­ngang sa lalong madaling panahon ay masugpo na at matigil na ang operasyon ng mga ito. (Edwin Balasa)

BUKOD

CHAIRMAN ROMULO NERI

EDWIN BALASA

HIGHER EDUCATION

NERI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with