Napocor kinasuhan

Dahilan sa umano’y pagmamanipula sa ha­laga ng kuryente sa Whole­sale Electricity Spot Market (WESM), sinam­pahan ng kasong kriminal ng grupong People Opposed to Warrantless Electricity Rates (PO­WER) ang National Power Corporation (Napocor).

Batay sa reklamong inihain sa tanggapan ng Ombudsman, inakusa­han ng grupo ang pa­ngulo ng Napocor na si Cyril del Callar ng pang-aabuso sa kapangya­rihan nang tatlo sa mga planta ng NPC ay mag­benta ng kuryente sa mas mataas na halaga.

Diumano ay guma­gawa ng paraan ang Na­pocor upang palabasin na mayroong kakulangan sa suplay ng kuryente na siyang dahilan ng pagta­taas sa halaga nito upang ipantustos sa standard cost.

Kinuwestyon din ang pagbawi ng Napocor sa P9 bilyon na generation charge sa mga transak­syon mula buwan ng Agosto hanggang Nob­yembre noong 2006.

“There have been credible findings by government authorities that there was price manipulation during the period of August to November 2006. The trading strategies employed by the NPC plants appeared to have stem­med from a memorandum from del Callar asking his subordinates to recover losses incurred by NPC during the first two months of trading at the WESM,” ayon kay  Engr. Ramon Ra­mirez ng grupong POWER.

Kabilang pa sa complainant sa kaso ang mga grupong AGHAM, Gab­riela at Bagong Alyan­sang Makabayan o Bayan.

Show comments