^

Bansa

GMA nainis sa DOJ

-

Nainis kagabi si Pa­ngulong Arroyo sa mga opisyal ng Department of Justice (DOJ) dahilan sa umano’y kabagalan ng mga ito sa pagsasampa ng kaso sa mga na­arestong rice hoarders.

Sinermunan ng Pa­ngulo si National Bureau of Investigation (NBI) anti-rice hoarding head Atty. Ri­cardo Diaz dahilan sa pagko-concentrate nito sa pag-iinspeksyon sa mga rice miller sa halip na sa mga traders lamang.

Kinuwestiyon din nito si Senior State Prosecutor Roberto Lao kung bakit hanggang sa nga­yon ay hindi pa nakaka­suhan ang mga na­arestong rice traders noong nakaraang linggo.

Dahil dito kaya ipinilit ng Pangulo sa DOJ na ka­agad isampa ang kaso sa mga rice hoarders sa Mayo 2 at inatasan na kaagad na magbigay ng feedback sa kanya saka­ling maisampa na ang mga kaso.

Siniguro din ng Pa­ngulo na babalik siya sa Mayo 9 upang personal na alamin kung ano ang development ng kaso.

Samantala, siniguro naman ni Pangulong Arroyo na mananatili sa pu­westo si Gonzalez tulad ni Defense Secretary Gilbert Teodoro. (Gemma Amargo-Garcia)

DAHIL

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO-GARCIA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ARROYO

SENIOR STATE PROSECUTOR ROBERTO LAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with