4 pa sa ‘rectum scandal’ kinilala

Isa pang doktor at tat­ long nurse ng Vicente Sotto Memorial Medical ang pi­nangalanan ng Department of Health (DOH) na umano’y sangkot sa rectum scandal sa Cebu city.

Kabilang sa mga pa­nga­lang binanggit ni Atty. Ronald de Vera ng DoH legal services ang consultant na si Dr. Marlowe Parreño; operating room nurse supervisor Isa­belita Remulta; senior operating room nurse Consuelo Tec­ling at senior operating room nurse on call na si Ida Sumayang.

Unanang pinangalanan ang lima sa 15 miyembro ng surgical team na nag­sa­gawa ng operasyon sa pas­yenteng nagpatanggal ng canister sa kanyang rectum.

Ang nasabing operas­yon ay nagbigay ng mala­king kahihiyan sa biktima dahil vinideo ang pasyente habang nakikitang nagta­tawanan ang mga doctor at nurse matapos na makuha ang canister sa loob ng puwet nito. (Doris Franche)

Show comments