^

Bansa

Teodoro bababa kung iuutos ng Pangulo

-

Handang bumaba sa kanyang puwesto si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., kung kina­ka­ilangan at kung ipag-uutos ito ni Pangulong Arroyo.

Ang reaksyon ay gi­nawa ni Sec. Teodoro bilang tugon sa balita na papalitan siya sa puwesto ni outgoing Chief of Staff Gen. Hermogenes Espe­ron Jr. na magtatapos ang ekstensyon ng ter­mino sa darating na Mayo 9.

“Kami ay nakahanda anytime kailangan ka­ming bumitaw or kung  kina­ka­ila­ngan na ibang tao ang sa tingin ng ating Pangulo na pumalit sa atin,” ani Teodoro.

Sinabi ni Teodoro na bahagi ng tungkulin ng mga gabinete ng admi­nis­trasyon na sundin ang anumang desisyon at ipag-uutos ng punong ehekutibo kung nais nito na magpa­tupad ng revamp sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno. 

Si Teodoro ay sinasa­bing mapupunta sa De­partment of Justice (DOJ) kapalit ni Secretary Raul Gonzalez. 

Gayunman ang bagay na ito ay wala pang kum­pirmasyon buhat sa Palasyo.

Nauna nang sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na wala pa sa plano ng Malacañang ang mag­pa­tupad ng revamp sa mga gabinete nito.

Sa kasalukuyan, ayon kay Teodoro ay naka­pokus ang kaniyang aten­syon na mapagbuti pa ang kani­yang trabaho.

Magugunita na nitong nakalipas na linggo ay ini­hayag ni Esperon na ika­rarangal niya kung iaalok sa kaniya ng Pa­ngulo ang posisyon bilang Defense Secretary. (Joy Cantos)

CHIEF OF STAFF GEN

DEFENSE SECRETARY

DEFENSE SECRETARY GILBERTO TEODORO JR.

HERMOGENES ESPE

JOY CANTOS

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with