^

Bansa

GMA di titigilan ng Senado

-

Sinigurado kahapon ng dalawang senador na itu­tuloy nila ang mga imbes­tigasyon sa lahat ng ano­malyang nangyayari sa administrasyon ni Pangu­long Arroyo upang maka­buo ng panukalang batas at hindi maulit ang katiwa­lian.

Ayon kay Sen. Mar Roxas, hindi maaaring itigil ang imbestigasyon sa mga anomalyang nangyayari sa pamahalaan kabilang na ang krisis sa bigas sa bansa.

Ayon kay Roxas, hindi aniya dapat gamitin ang krisis sa bigas o mga pangunahing pagkain para lang itigil ang imbestigas­yon sa mga anomalya at para magkaroon na naman ng pagkakataon na gu­mawa ng kababalaghan ang ilang tiwaling opisyal ng gobyerno.

Ang kailangan umano ay sabihin na ng gobyerno sa taumbayan kung ano talaga ang tunay na nang­yayari ngayon sa bansa.

Sinabi naman ni Sen. Alan Peter Cayetano na nakatakda nang simulan ang imbestigasyon ng Se­nado sa maanomalyang North Rail at South Rail Project, Gift-Giving sa Pa­lasyo at swine scam sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Ca­yetano, nagpadala na ang Blue Ribbon Committee ng im­bitasyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang masimulan ang imbestigasyon sa North at South Rail Projects.

Nagpadala na rin ng im­bitasyon ang naturang ko­mite sa ilang persona­lidad na nagbigay at tu­manggap ng cash gift mula sa Pa­lasyo. (Malou Escu­dero)

ALAN PETER CAYETANO

AYON

BLUE RIBBON COMMITTEE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

MALOU ESCU

MAR ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with