Paniniktik kay Ocampo itinanggi
Hindi namin siya tinitiktikan!
Ito ang mariing pagtanggi kahapon ng Philippine National Police sa paratang na isina sailalim nila sa masusing surveillance operations si Bayan Muna Partylist Representatives Satur Ocampo.
Idiniin ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. na hindi totoo ang akusasyong mino-monitor ng pulisya ang bawat galaw ng kongresista.
Nabatid na nagrereklamo si Ocampo hinggil sa mga nakasibilyang lalaki na lulan ng motorsiklop na pabalikbalik umano at naniniktik sa labas ng kaniyang tahanan.
Sinabi ni Razon na wala siyang ipinag-uutos na isailalim sa surveillance operations si Ocampo tulad ng reklamo ng party list solon. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending