^

Bansa

GMA pinuri sa wage hike

-

Pinasalamatan kaha­pon ng Confederation of Government Employees Organizations (COGEO) si Pangulong Arroyo sa kan­yang pagtataas ng sahod ng mga empleyado ng gobyerno mula sa isang buwan.

Sa pahayag nina COGEO Chairman at legal counsel Jesus I. San­tos at presidente na si Florinio Ibanez, dapat magsilbing panggising sa samba­yanan ang naging hakbang ni Pangulong Arroyo para mapatunayan kung sino ang tunay na makatao.

Tiniyak din nina COGEO Secretary-General Atty. Manuel Parlada at Executive Vice-President Bayani Aquino na solidong susu­porta ang organisas­yon kay Pangu­long Arroyo at lahat ng kanyang mga hakbangin para sa Samba­yanan.

Sinabi ni Santos na maliban sa Pangulo, wa­lang anumang nababa­litaan o nakikita ang grupo sa sinumang kritiko ng pamahalaan na maka­pag­bibigay ng karag­dagang kita sa mga em­pleyado ng gobyerno.

Sinabi ni Santos na dapat nang magkaroon ng kahihiyan ang mga tumu­tuligsa kay Pa­ngulong Arroyo ng walang basehan na tigilan na ang pamumu­litika at pub­lisidad at mag­trabaho na para sa taum­bayan at hindi para sa kanilang mga ambisyong pulitika sa 2010.

CONFEDERATION OF GOVERNMENT EMPLOYEES ORGANIZATIONS

EXECUTIVE VICE-PRESIDENT BAYANI AQUINO

FLORINIO IBANEZ

JESUS I

MANUEL PARLADA

PANGULONG ARROYO

SECRETARY-GENERAL ATTY

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with