^

Bansa

Pagtakbo ni Erap kunwari lang?

- Ni Malou Escudero -

Mismong si dating Pangulong Joseph Estra­da na umano ang guma­gawa ng paraan para masiguradong kukuning kandidato bilang bise-presidente ng bansa ng sinumang nagnanais tu­makbo sa ilalim ng opo­sisyon sa 2010 si Sen. Jose “Jinggoy” Estrada.

Ayon sa isang source na tumangging magpa­banggit ng pangalan, gagawing “leverage” la­mang ni Estrada ang pag­porma na muli siyang tatakbong presidente sa 2010 upang mapilitan ang nagnanais tumakbo sa ilalim ng oposisyon katu­lad ni Senate president Manuel Villar na kunin si Jinggoy bilang running mate.

“Kunwari lang tatakbo siyang (Erap) presi­ dente, pero uurong yan sa kon­disyon na kuku­ning running mate ng si­numang gustong ku­mandidato si Jinggoy,” anang source.

Bagaman at kilalang taga-suporta ng oposis­yon, sinabi ng source na hindi na dapat tumakbong muli si Estrada at ipag­katiwala na lamang niya ang pagtakbo bilang pre­sidente sa mas bata sa kanya.

Naniniwala ang source, na may ibang agenda ang pagsusulong sa muling pagtakbo ni Estrada sa 2010 at ito ay upang mapilitan lamang ang mga nais maging presidential candidate na kunin si Jinggoy.

Lalong lumakas ang ugong na muling kakan­didato si Estrada bilang presidente matapos mag­karoon ng pangangalap ng 6 milyong pirma ang Partido ng Masang Pili­pino (PMP).

Nauna nang umugong ang balita na posibleng maging running mate si Jinggoy ng sinumang nagnanais tumakbong presidente sa ilalim ng oposisyon.

Pero naniniwala rin ang source na posibleng mahati na naman ang oposisyon sa 2010 dahil sa dami ng gustong ku­mandidatong presidente katulad nina Villar, Sen. Panfilo Lacson, Loren Legarda at Mar Roxas.

JINGGOY

LOREN LEGARDA

MANUEL VILLAR

MAR ROXAS

MASANG PILI

PANFILO LACSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with