Nani Perez pinakakasuhan
Ipinag-utos ni Ombudsman Ma. Merceditas N. Gutierrez ang pagsasampa ng kasong kriminal sa Sandiganbayan laban kay dating Justice secretary Hernando Perez kaugnay sa $2-million extortion charge na isinampa laban dito ni dating Manila Congressman Mark Jimenez.
Sa kanyang 24-pahinang kautusan, ibinasura ni Gutierrez ang mga naisampang mosyon ni Perez hinggil sa kaso dahil sa kawalan nito ng merito.
“After a perspicacious review of the records, the undersigned found nothing that would indicate that there is reason to disturb the earlier findings of the Special Panel,” pahayag ni Gutierrez.
Kasama ni Perez na kakasuhan ang asawang si
Sa ginawang pag-aaral ni Gutierrez sa mga records, lumalabas anya na sinamantala ni Perez ang posisyon bilang DOJ secretary kasama ang iba pang akusado para atasan si Jimenez na dalhin ang halagang US$2Mna may kinalaman sa execution of affidavits na gagamitin sa kaso laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.
Noong Enero ng nagdaang taon, inutos na ni Gutierrez ang pagsasampa ng extortion charges laban kay Perez at sa tatlo pang akusado.
Sa kampo ni Perez, nagsampa naman ito ng motion for reconsideration at motion to dismiss sa kaso, pero inisnab ng Ombudsman dahil sa kulang sa merito para mapawalang sala ito sa kaso.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Jimenez na nangotong sa kanya si Perez ng halagang $2 million upang itigil nito ang pag-prosecute sa dating mambabatas na lubhang nakakasira sa ilang personalidad sa ilalim ng pamunuan ni dating Pangulong Estrada. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending