^

Bansa

$2-B investment pasalubong ni GMA

-

Aabot sa 2 bilyong dolyar na investment sa Pilipinas ang magiging pasalubong ni Pangulong Arroyo matapos ang kanyang 3-araw na pagbisita sa Hong Kong. 

Ayon kay Pangulong Arroyo, ang $2 bilyong investment ay mula sa HK-based na Shimao Property Holdings Limited na pag-aari ng 2nd richest man ng China na si Mr. Hui Wing Mau. 

Interesado umano ang Shimao para sa pag-develop ng 2 project sa Fort Bonifacio gayundin ang pag-develop sa magiging surfing capital na Calicoan island sa Guiwan, Eastern Samar. 

Wika pa ni Mrs. Arroyo, interesado ang Shimao na mag­tayo ng 500-room na resort sa Guiwan, Eastern Samar.

Maliban sa Shimao, sinabi din ni Pangulong Arroyo na nagpakita ng interes na magnegosyo sa bansa ang Hopwell Holdings na pag-aari ni Gordon Wu. (Rudy Andal)

EASTERN SAMAR

GORDON WU

GUIWAN

HONG KONG

HOPWELL HOLDINGS

PANGULONG ARROYO

PLACE

SHIMAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with