^

Bansa

P4.2B pambili ng binhi ng palay sa’n napunta?

-

Hiniling ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakayang Pilipinas (Pamalakaya) sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na imbesti­gahan ang inilaang P4.2 bilyon pondo para sa Ginin­tuang Masaganang Ani (GMA) ng Department of Agriculture (DA).        

Ayon kay Gerry Corpuz, spokesman ng Pamala­kaya, ang naturang pondo ay ginamit na pambili ng 407,000 sako ng hybrid rice seeds at 225,000 certified rice seeds noong nakaraang taon.         

Sinabi ng Pamalakaya na walang natanggap ang mga magsasaka at mangingisda na binhi ng palay mula sa gobyerno noong nakaraang taon.   

Posible umano na isa na naman itong panibagong kaso ng fertilizer scam.        

Dapat umanong malaman ng publiko kung saan napunta ang naturang GMA fund na pinanga­ngam­bahang napunta sa bulsa ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno. (Doris Franche)

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DORIS FRANCHE

GERRY CORPUZ

KILUSANG MAMAMALAKAYANG PILIPINAS

MABABANG KAPULUNGAN

MASAGANANG ANI

PAMALAKAYA

PAMBANSANG LAKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with