Sinabi kamakailan ni Magalang, Pampanga Mayor Lyndon Cunanan na mananatili siya sa kanyang puwesto kahit may utos ang isang korte na bumaba siya sa tungkulin at magbigay-daan sa kanyang kalaban.
Ayon kay Cunanan, ipagpapatuloy niya ang kanyang tungkulin sa kabila ng writ of execution na ipinalabas ng Pampanga Regional Trial Court na ginagamit ng katunggali niyang si Romulo Pecson para maagaw nito ang kanyang posisyon.
“Pecson’s act is not only brazen but very unlawful and the on-going confusion at the municipal hall has brought chaos,” wika ni Cunanan.
Idiniin niya na nawalan ng hurisdiksyon sa kaso si Judge Zenaida Buan nang naunang ibinalik nito ang usapin sa Commission on Elections. Wala anyang kapangyarihan ang hukom na mag-isyu ng writ of execution na nag-uutos na bakantihin niya (Cunanan) ang office of the mayor at paupuin si Pecson.
Sinabi ni Cunanan, ang kawalang hurisdiksiyon ay una nang binabanggit ni Buan sa isa sa mga kautusan nito.