^

Bansa

Cory merong colon cancer

- Nina Malou Escudero at Rudy Andal -

Merong sakit na colon cancer si dating Pangulong Corazon Aquino, ayon sa anak niyang aktres at television host na si Kris.

Sinabi ni Kris sa isang pahayag kaha­pon na lumitaw sa maraming pagsusuri ang naturang sakit ng kanyang ina. 

Sinabi pa ni Kris na ipinasya ng kanilang pamilya na isiwalat sa publiko ang sakit ng kanilang ina dahil uma­asa sila sa maga­gawa ng panalangin ng ma­mamayang Pilipino para sa kanyang ina.

Ayon kay Dr. Ar­mand Crisostomo,  isang co­lorectal surgeon at pa­ngulo ng Philippine College of Surgeons, ang colon at rectal cancer ang pa­ngunahing sakit na kanser na puma­patay sa maraming tao sa bansa.

Si Gng. Aquino na biyuda ng pinaslang na si dating Senador Be­nigno Aquino Jr. ay naluklok na presidente ng Pilipinas nang ma­patalsik sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos noong taong 1986.

Umapela kahapon ang pamilya Aquino sa pamamagitan ni Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa publiko na maglaan ng pana­la­ngin at bigyan ng privacy ang kanyang ina.

Sinabi rin ng sena­dor na desisyon ng ka­niyang ina ang pagpa­pala­bas ng statement para ma­u­na­waan ng la­hat ang ka­salukuyan nitong kala­ga­yan.

Ikinuwento ni Noy­noy na nakaranas ng pagtaas sa blood pressure, nahirapang hu­­minga at nagkaroon ng lagnat ang dating pre­sidente noong na­ka­raang Disyem­bre sa pa­gitan ng Pasko at Ba­gong  Taon.

Inaasahang sisimulan nga­yong Martes ang chemotherapy para kay Aquino at baka operahan din siya kinalaunan.

Ikinalungkot ng Malacañang ang bali­tang may­roong colon cancer si Aqui­­no.

Ayon kay Pre­sidential Spokesman at Press Secretary Ig­na­cio Bunye, nais ipaha­tid ni Pa­ ngulong Gloria Maca­pagal-Arroyo ang kan­yang panalangin upang gumaling ka­agad ang da­ ting Pa­ngulo sa sakit nito.

AQUINO

AQUINO JR.

AYON

DR. AR

GLORIA MACA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with