Black Saturday, holiday

Idineklara na ng Malakanyang na special non-working holiday ang Black Saturday at sa ilalim ng batas, sinumang empleyado ng private companies na magtatrabaho sa araw na ito ay makakatanggap ng dagdag na 30 porsiyento sa kanilang sahod.

Ipinaliwanag ni acting Labor Secretary Marianito Roque, 50 porsiyento naman ang makukuha ng mga empleyadong day off subalit kinailangang pumasok at dagdag na 30 porsiyento naman sa karagdagang walong oras.  

Sa kabila nito, ipinatutupad pa rin ang “no work-no pay” policy maliban na lamang sa kasunduan ng mga kompanya.

Nilinaw naman ni Roque na ang mga magtatrabaho ng Maundy Thursday at Good Friday ay makakatanggap ng 100 porsiyento at dagdag na 30 porsiyento naman para sa labis na walong oras ng pagtatrabaho.

Ang Marso 20 at 21 ay regular holidays. (Doris Franche)

Show comments