Ilalantad na ang mga pangalan ng mga bagong abogado sa susunod na linggo kaugnay sa 2007 Bar examinations.
Ang pagpapalabas ng resulta ang nakahanay na isusunod sa pagpapalabas naman ng “Neri petition” o ang desisyon ng Mataas na Hukuman sa scope o saklaw ng executive privilege.
Ayon kay Atty. Midas Marquez, tagapagsalita ng Korte Suprema, matapos matalakay ng Supreme Court (SC) en banc at madesisyunan ang Neri Petition sa Marso 25, ang tatalakayin naman umano ang ilalabas na resulta ng Bar exams.
Dedesisyunan ng SC en banc ang passing average at ang eksaktong petsa kung kailan ilalabas ang resulta.
Magugunitang noong nakaraang taon ay umabot ng 30 porsyento ang passing average ng 2006 bar examinations. (Ludy Bermudo)