^

Bansa

Ex-solon abswelto sa double murder

- Ni Ludy Bermudo -

Inabsuwelto ng Court of Appeals si dating Occidental Mindoro Jose Villarosa at tatlo pang kasamang hinatulang guilty kaugnay sa ka­song pagpatay sa mag­kapatid na Quintos noong 1997.

Batay sa mahigit 100 pahinang desisyon ng CA 5th Division, dinismis ang ipinataw na habam­buhay na pagkabilanggo ng Que­ zon City Regional Trial Court laban kay Villa­rosa bu­nga ng kawalan umano ng sa­pat na ebi­den­siyang mag-uugnay na siya ang res­ponsable sa pama­mas­lang sa mag­kapatid na Michael at Paul Quintos, mga anak ng kalaban niya sa pulitika na si Ricardo Quintos.

Inutos din ng CA ang pagpapalaya kay Villa­rosa na kasalukuyang naka-confine sa St. Luke’s Hospital. 

Bukod kay Villarosa, abswelto na rin sa ka­song nabanggit sina Ruben Balaguer, Cielito Bautista at Mario Tobias.

Si Villarosa ay una nang napaulat na nawa­wala sa loob ng New Bilibid Prison noong naka­lipas na taon na sa ka­launan ay natuklasang inoperahan lamang pala sa nabanggit na ospital bunga ng ka­ramdaman sa puso.  

Samantala, may pag­kakataon pa rin umapela ang kampo ni Quintos kaugnay sa desisyon.

CIELITO BAUTISTA

CITY REGIONAL TRIAL COURT

COURT OF APPEALS

MARIO TOBIAS

NEW BILIBID PRISON

OCCIDENTAL MINDORO JOSE VILLAROSA

PAUL QUINTOS

RICARDO QUINTOS

RUBEN BALAGUER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with