Sinabihan kahapon ni Navotas City Mayor Toby Tiangco si Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando na “huwag pasakayin” ang mga transport group.
Ginawa ni Tiangco ang pahayag bilang reaksyon sa banta ni Fernando sa mga alkalde sa Metro Manila na hindi magpapatupad ng single-ticketing system base sa E.O. 712.
Sinabi ni Tiangco na alam ni Fernando na ang traffic code ay inindorso mismo ng MMDA noong Nobyembre 2001.
“Ang ating nga ordinansa sa trapiko ay batay sa rekomendasyon ng isang pag-aaral ng mga ahen syang kinabibilangan ng MMDA. Ngayong ipinatutupad namin ito, iba naman ang sinasabi ng MMDA,” dagdag ni Tiangco.