^

Bansa

Neri di pwedeng arestuhin

-

Hindi pa rin maaaring arestuhin ng Senado si CHED Chairman Romulo Neri kahit na nagpalabas ng compromise agreement ang Korte Suprema.

Sinabi ni Atty. Midas Marquez, spokesman ng Supreme Court (SC) na hanggang hindi nata­tang­gal ang status quo ante order na inisyu ng Mataas na Hukuman ay hindi pa rin ito pwedeng dakpin.

Iginiit pa nito na sa­kaling dumalo si Neri sa pagdinig ng Senado ka­ugnay sa maanumal­yang NBN-ZTE contract ay maari nitong igiiit ang kanyang executive privilege kung sa tingin nito ang mga tanong ng mga Senador ay sakop ng executive privilege.

Sa panig naman uma­no ng Senado ay maari nilang i-cite for contempt si Neri kung sa tingin nila ay hindi sakop ng pribi­lehiyong isinasangkalan ng mga opisyal ng gabi­nete.

Subalit kung hindi na­man umano magkasundo ang Senado at kampo ni Neri ay babalik sila sa SC upang ituloy ang pag­dinig.

Samantala, kinuwesti­yon din ni Associate Justice Presbiterio Velasco ang pagpapalabas ng Senado sa kanilang warrant of arrest sa mga taong iniimbita­han nila sa kanilang isasa­gawang mga pagdinig.

Nilinaw ni Velasco na walang kapangyarihan ang Mataas na Kapulu­ngan ng Kongreso na mag-issue ng warrant of arrest dahil ta­nging ang mga Hukom la­mang ang makakapagpa­labas nito.

Bukod dito nilabag din umano ng Senado ang kanilang Rules sa pagla­labas ng warrant of arrest laban kay Neri.

Dahil base umano sa Senate Rules, kung mag­papalabas sila ng arrest warrant ay dapat present lahat ang mga miyembro ng Komite, taliwas umano sa ginawa ng Senate Blue Ribbon Committee Chairman Alan Peter Caye­tano, na pina-ikot ang isang resolus­yon sa kap­wa nito Senador. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE PRESBITERIO VELASCO

CHAIRMAN ROMULO NERI

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

NERI

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with