‘Lie test’ kay Madriaga
Upang matiyak na hindi nagsisinungaling matapos na pagdudahan ang kanyang kredibilidad, isang working committe ng Senado ang nagsagawa ng pagtatanong kay Dante Madriaga, ang bagong testigo sa imbestigasyon sa anomalya sa national broadband network project.
Isinagawa ng Sena do ang hakbang upang maalis na ang pangamba ng mga ito na baka matulad lamang si Madriaga sa mga testigong
Sa ginawang pagtatanong, sinabi ni Madriaga na hindi siya “pakawala” ng ilang grupo o mula sa gobyerno upang sirain lamang ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado.
Iginiit ni Madriaga na kusa siyang lumutang upang linisin ang kanyang pangalan dahil sa napabalitang nanghihingi siya ng P5 milyon hanggang P10 milyon sa isang senador kapalit lamang ng kanyang pag-testigo sa Senado.
Tinukoy pa ni Madriaga ang mga pangalan nina dating Sec. Michael Defensor at Energy Sec. Angelo Reyes na may nalalaman umano sa nasabing deal matapos makasama sa ilang pagpulong noong 2006 hinggil sa ZTE/NBN deal. Si Reyes umano ay naging contact person ng Arescom, isang kumpanya na naging kalaban sa bidding ng ZTE Corporation at Armsterdam Holdings ni Joey de Venecia para sa NBN project.
Muling idiniin ni Madriaga na paninindigan niya ang kanyang mga sinabi sa Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Martes lalo na ang pagsisiwalat na umabot sa $41 milyon ang naipalabas ng ZTE para sa kickback kung saan kalahati umano dito ay napunta sa First Couple at pinagparte-partehan pa ng ilang opisyal. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending