^

Bansa

Pro-GMA nagpakita ng puwersa

-

Ipinakita ng libu-libong tagasuporta ni Pangulong Arroyo ang kanilang puwersa sa pagdalo kahapon sa holy mass offerings na isinagawa ng mga gobernador at mayor at iba pang local officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kapa­yapaan at pagkakaisa at mawakasan na ang ingay ng politika na dulot ng kontrobersya sa ZTE-NBN project.

Ang kanilang patuloy at buong suporta para sa liderato ni Pangulong Arroyo ay malinaw na ka­ramihan sa mga mama­mayan ay hindi sang-ayon sa panawagan ng oposisyon para sa resignation ng Pangulo.

“Patunay lang ito na limitado lang sa maiingay sa Metro Manila ang panawagan sa pagbibitiw ng Pangulo. Mayorya ng ating mamamayan ay sawa na sa mga rally at demonstrasyon sa kalye,” sabi ni Mayor Ramon Guico, presidente ng Union of Local Authorities of the Philippines.

Alas-10 pa lamang ng umaga ay mahigit 124 parishes, kabilang ang 65 sa Metro Manila ang nagsagawa sa tinawag nilang “prayerful comunity reflection.”

Mahigit 20 sabay-sabay na mass offerings naman ang isinagawa ng Quezon City government ngunit ang mas malaking naitalang bi­ lang ng mga nagsimba ay sa Manda­luyong City kung saan mahighit 7,000 parishioners ang nagpakita sa Manda­luyong gymnasium para sa holy mass.

May kahalintulad na misa rin sa Pampanga, Cavite, Rizal, Ilocos Sur, Surigao del Sur, Sor­sogon, Romblon, Lanao del Norte, Masbate, Northern Samar, Negros Occidental, Laguna, Ley­te, Easter Samar, Kalinga, Davao del Norte, Iloilo, Benguet, Davao Oriental, Dinagat Island, Compos­tela Valley, Batangas, Capiz, Bukidnon, Caga­yan, Agusan del Sur, Antique at Abra. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

DAVAO ORIENTAL

DINAGAT ISLAND

EASTER SAMAR

ILOCOS SUR

PANGULONG ARROYO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with