Ombudsman atras sa NBN probe
Inatrasan ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang imbestigasyon sa kontrobersyal na national broadband network project.
“Pinasasalamatan ko yaong mga naniniwalang dapat bigyan ako ng pagkakataon at yaong iba ang paniniwala. Nauunawaan ko. Umaatras na ako,” sabi ni Guetierrez.
Ang tanggapan ng Ombudsman ay nagsasagawa sa kasalukuyan ng pagbusisi sa ibat ibang reklamong may kinalaman sa NBN-ZTE deal controversy.
Sinabi ni Gutierrez na may ilan sa kaso hinggil dito ay naisumite na para magpalabas ng resolusyon habang ang iba naman ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng kanyang mga tauhan.
Ayon kay Gutierrez, nagdesisyon siyang busisiin ang naturang usapin nang magkaroon ng bagong rebelasyon si Rodolfo Noel “Jun” Lozada Jr. hinggil sa NBN contract ng pamahalaan at ng ZTE Corp. ng
- Latest
- Trending