Peb. 16, non-working day sa Caloocan

Idineklara kahapon ni Caloocan City Mayor En­rico “Recom” Echiverri ang Pebrero 16 na non-working holiday bilang paggunita sa ika-46 na anibersaryo ng lungsod.

Base ang Executive order 001-08 sa Republic Act 7550 na nagde­deklara sa Pebrero 16 ng bawat taon bilang isang non-working holiday.

Ayon kay Echiverri, ang kautusan ay upang mabig­yan ng pagkaka­taon ang mga residente ng lungsod na makapag-enjoy at ma­ka­sali ng iba’t ibang aktibi­dad na isa­sagawa ng lokal na pa­mahalaan.

Hinimok ni Echiverri ang lahat ng residente, mga city officials, emple­yado at mga miyembro ng iba’t ibang sector na naka-base sa Caloocan na ma­kiisa sa isang buwang selebrasyon at sariwain ang makasay­sayang “le­gacy” ng Ca­loocan.  

Ang tema ngayong taon, “Caloocan @ 46: Con­tinuing Legacy of Progress and Excellence,” ay nag­ lalayong ipagpatuloy ang kaun­laran at mga repor­mang ipinatupad ng admi­nis­trasyon ni Echiverri.

Show comments