^

Bansa

8 sibilyan patay sa bakbakan sa Sulu

- Joy Cantos -

Matapos ang pag­ka­matay ng walong inosen­teng sibilyan na diuma­no’y naipit sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at ng mga bandidong Abu Sayyaf, sinuspinde kaha­pon ni Defense Secretary Gil­berto Teodoro ang ma­higit 50 sundalo sa la­la­wigan ng Sulu.

Si Teodoro ay per­so­nal na bumisita ka­hapon sa Sulu upang ipaabot ang pakikira­may ng pa­mahalaan at pagtulong sa mga pa­milya ng mga sibil­yang nasawi sa insi­dente.

Kasabay nito, hina­mon naman ni Teodoro ang Commission on Human Rights (CHR) na maglabas ng ebi­densya sa paratang nitong mina­saker di­umano ng mga sundalo ang nasawing mga sibilyan base umano sa pahayag ng ilang mga testigo sa lugar.

Sinabi ni Teodoro na isang paglabag sa ka­rapatan ng mga sun­dalo kung hindi mapa­tu­nayan ng CHR ang kanilang inilabas na imbestigasyon na mas­sacre nga ang nang­yari sa naturang lugar tali­was sa bersyon ng militar na isa itong lehi­timong engkuwentro.

“First and foremost we have to get to the bottom of what really happened in the incident, we really have to establish that because there are deaths on both sides,” pahayag ng Kalihim.

Nitong Lunes ay da­ lawang sundalo ang na­sawi at tatlo naman sa panig ng Abu Say­yaf, walo rin sa tropa ng pa­mahalaan ang nasugatan at tatlo na­man sa panig ng mga kalaban subali’t ma­tapos ang engku­wen­tro ay walong bangkay ng mga sibilyan kabi­lang ang tatlong bata ang narekober sa Brgy. Ipil, Maimbung, Sulu.

Binigyan ng ultimatum ni Teodoro si AFP-West­mincom Commander Major Gen. Nelson Allaga na ta­pusin ang imbestigas­yon sa loob ng dala­wang linggo at tiniyak rin na walang magaga­nap na whitewash.

ABU SAY

ABU SAYYAF

COMMANDER MAJOR GEN

DEFENSE SECRETARY GIL

HUMAN RIGHTS

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with