^

Bansa

Pagtalsik ni JDV tiyak na!

- Nina Butch Quejada At Rudy Andal -

Wala nang pag-asa pang magtagal sa pagkapit sa upuan ng Mababang Kapulungan si Speaker Jose de Venecia matapos matiyak na nagkakaisa ang malalaking partido pulitikal sa Kamara upang palitan ang liderato ng Pangasinan solon.  

Nagkaisang tiniyak ng ilang lider ng Lakas-NUCD, Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi), Liberal Party (LP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) kabilang ang Bagong Laban ng Nueva Ecija (Balane) na mapapalitan si de Venecia sa pagbubukas ng sesyon sa susunod na linggo.

Ayon sa naturang mga lider, hinog na at kumpleto na ang bilang upang patalsikin si de Venecia sa mga susunod na araw. Hinihintay na lamang ang pormal na paghahain ng mosyon na nagbabakante sa lahat ng posisyon sa Kamara kabilang ang Speakership.

Sinasabing nakakalap na ng kinakailangang 134 pirma kasabay ang manifesto na wala na silang tiwala at kumpiyansa kay de Venecia.

Kabilang sa lumagda para mapatalsik sa pu­westo si de Venecia ang da­lawang anak ni Pangu­long Arroyo na sina Pam­panga Rep. Mikey Arroyo at Camarines Rep. Dato Arroyo na hayagan nang nagpakita ng diskuntento sa liderato ni de Venecia.

Ayon kay Kampi president Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte, 56 sa 134 kongresista gustong sipain si de Venecia ay galing sa partido ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi). 

Ihaharap ni Rep. Villa­fuerte ang manifesto ng mga kongresista kay JDV sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes.

Naunang sinabi ni Lakas Rep. Monico Puen­tevella ng Bacolod City, dating kaalyado ni JDV, na nakahanda siyang tang­gapin ang anumang mang­yayari sa kanyang pagdek­lara ng “lost of confidence” kay de Venecia.

“If the Speaker cannot stop Joey (de Venecia) from further falsely accusing the First Family, neither can he stop Rep. Boy Nograles (Davao) and all the people supporting the President from doing their thing or advocating a change of leadership in the House,” pahayag ni Puentevella.

Aniya, nadurog nang tuluyan ang partido mismo ni de Venecia at hindi lamang ang rainbow coalition na sumusuportra sa kanyang liderato sanhi ng pagkaladkad ng pangalan ng Unang Pamilya sa ano­malyang kinasasang­kutan ng anak nitong si Joey.

Para naman kina Ba­tanes Rep. Edno Joson at LP Rep. Danilo Suarez ng Que­zon walang kuwen­tang Speaker si de Venecia matapos gamitin nito ang kanyang anak upang ika­ladkad ang Unang Pamilya sa anomalya upang ma­natili siya sa poder.

Naniniwala naman ang Malacañang na hindi ma­sasaktan ang Lakas-CMD sakaling matuloy ang pag­tanggal kay de Venecia.

Ayon sa Palasyo, hawak pa rin naman ni de Venecia ang pagiging pangulo ng Lakas-CMD at ang mawawala lamang sa kanya ay ang titulong bilang lider ng Kamara.

AYON

KAMARA

KAMPI

LAKAS

MALAYANG PILIPINO

SHY

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with