P9.2M TESDA scam ‘demolition job!’
Suportado ng mga opisyal at empleyado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang hepe nilang si Augusto ‘Buboy’ Syjuco kahit sabihing kabi-kabilang intriga ang ipinupukol ng ilang kritiko laban sa kanya.
Ang pahayag na ito ay ipinalabas ng may 4,000 miyembro ng TESDA-Association of Concerned Employees (ACE), kasabay ng mariing pagbatikos sa isang nagpapakilalang lider ng unyon na peke at hindi kailanman kinilala ng Department of Labor and Employement.
Bilang patunay na suportado nila ang liderato ni Syjuco, isang resolusyon at ‘manifesto of support’ ang ipinalabas ng TESDA-ACE sa pamumuno ng national president nito na si Sonia Lipino. Anila, ang programa ngayon ni Syjuco ay para sa kapakanan ng lahat, partikular na iyong mga nag-aaral sa TESDA. Hindi rin nila pinaniniwalaan ang inihaing P9.2 million na paglustay sa pondo ng TESDA para lamang sa pagpapalimbag sa 250,000 kolya ng libro na pinamagatang “Salabat for the Soul.’
Kamakailan, kasong misrepresentation, unjust vexation at usurpation of authority ang isinampa nila sa Department of Justice (DOJ) laban kay Annie Geron. Si Geron ay sinibak sa TESDA kaya ipinalalagay na paghihiganti ang motibo nito laban kay Syjuco kaya nagpapakalat ng maling balita para sa opisyal.
Nagpakilala rin itong pinuno ng Samahan ng
- Latest
- Trending