GMA tumira sa pinakamahal na hotel sa mundo

Inamin ng Malaca­ñang na tumira si Pa­ngulong Arroyo sa nag-iisang 7-star hotel sa mundo na nasa Dubai.

Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bun­ye, na­ natili si Pangulong Arryo sa Burj Al Arab, ang nag-iisang 7-star hotel sa mundo, subalit walang gas­tos ang Pili­pinas dito. Ipinaliwanag ni Sec. Bunye, kinumbida ng Emir si Pangulong Arroyo at sa nasabing pi­nakamahal na hotel sa mundo siya pinatira.

Hindi naman makum­pirma ng kalihim kung sino-sino sa delegasyon ni Mrs. Arroyo ang tu­mira din sa naturang ho­tel kung saan ang ha­laga ng pananatili dito ay 7,500-8,500 UAE Dirhams sa bawat gabi o katumbas na P500,000.

Ang nasabing hotel ay nasa gitna ng isang man-made beach at ang hotel lobby nito ay napa­paikutan naman ng mga gold-plated na ceilings. (Rudy Andal)

Show comments