20% discount sa LPG ng seniors isinulong

Matutuwa ang mga senior citizen sa inihaing panu­ kala ni Camarines Sur Rep. Dato Macapagal Arroyo dahil magagamit ng mga ito ang 20 porsientong discount sa pagbili nila ng LPG at ibang pang petroleum products.

Sinabi ng Presidential Son na ang kanyang House Bill 3183 ay makakatulong ng malaki sa pamilya ng mga senior citizen dahil malaking kabawasan sa kanila ang 20% discount sa pagbili nila ng petroleum products at LPG.

Ayon kay Arroyo, tumataas ang presyo ng mga petroleum products sa mga pamilihan kaya timing ang kanyang inihain na panukalang batas na tinitiyak niyang maaprobahan sa lalong madaling panahon sa Kongreso.

Sinabi ni Arroyo, palalawakin  niya ang serbisyo para mas makatulong  sa mga senior citizen na ang ka­ ra­mihan ay mahihirap.

Ang Republic Act 7432 ay  batas na ginawa at ipinatupad para sa mga senior citizen dahil malaki ang obligasyon ng pamahalaan para sa mga ito na bigyan sila ng prioridad para sa kanilang sariling kapakanan. (Butch Quejada)

Show comments