^

Bansa

Colorum vehicles bawal na sa mga mall

-

Ayaw ipagamit ng mga mall owners ang kanilang pagmamay-aring establisimiyento para gamiting terminal ng mga colorum vehicles.

Ito ay makaraang ma­kipag-ugnayan ang pa­munuan ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) sa mga mall owners na huwag payagan ng mga itong magamit na terminal ang kanilang lugar para ma­kapasada ang mga kolo­rum na sasakyan.

Sinabi ni LTFRB Chairman Thompson Lantion, para sa ligtas na pagdating ng mga mall customers sa kanilang destinasyon, kailangang mga lehitimong pampasaherong sasakyan lamang ang dapat na magsasakay sa mga customers nito.

Una rito, nagreklamo kay Lantion ang mga legitimate bus at jeepney drivers na wala na silang kinikita sa kanilang pamamasada dahil sa epektong dulot ng pamamasada ng mga colorum na sasakyan na pumapasok sa kanilang mga ruta.

Samantala, nanawagan naman si Jun Magno, pangulo ng Confederation ng FX, AUV’s Operators and Drivers Association sa LTFRB na buksan ang pintuan ng ahensiya para mabigyan ng franchise ang mga colorum na sasakyan.

Anya, gusto naman ng mga commuters na sumakay sa mas presko at kumportableng sasakyan tulad ng mga van papunta sa kanilang mga destinasyon at wala namang ibang pinagkikitaan ang ibang private vehicle owners na namamasahero kayat nagbabasakaling kumita para sa pang-araw-araw na pamumuhay ng pamilya ng mga ito.

Sa ulat, ilang commuters naman ang nagsabing comportable sila at konting halaga lamang ang de­perensiya ng singil ng pasahe sa mga aircon­ditioned colorum vehicles kung ikukumpara sa mga kakarag-karag at mga luma ng pampasaherong jeep na pumapasada sa mga lansangan.

Sa panig ng LTFRB, sinabi ni Lantion na pag-aaralan ng ahensiya kung magbubukas sila ng bagong linya para mga private vehicles.  (Angie dela Cruz/Rose Tamayo-Tesoro)

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

DRIVERS ASSOCIATION

JUN MAGNO

LAND TRANSPORTATION AND REGULATORY BOARD

LANTION

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with