^

Bansa

Ebidensiya sa Jose Velarde account, nakuha ng Sandiganbayan

-

Kinumpirma ng Sandi­ganbayan na mayroon na silang hawak na ebiden­siya na nagpapatunay ng Jose Velarde Account.

Ito ay makaraang ma­ka­tanggap ang Sheriff’s Office ng Sandiganbayan ng report mula sa Banco de Oro na kumukumpirma ng official information hinggil sa nailagak na salapi sa naturang account.

Batay sa report ng Banco de Oro, ang isang account sa ilalim ng Ve­larde Account ay may halagang P500 Milyon na promissory note at ang isa pang account na may ha­lagang P300 Milyon shares sa Wellex, P450 Milyon shares sa Waterfront Phi­lippines, P95,759,000 com­mon trust fund investment.

Kaugnay nito, sinabi ni Sandiganbayan Sheriff Ed Urieta na mayroon silang pakikipag-usap sa mga opisyal ng Banco de Oro para malaman ang mga impormasyon kung alin sa mga account na ito ang maaaring maisailalim sa auction para maging pera at mabawi ang hinihinging P189,700,000 upang ma­ibalik na sa gobyerno.

Una rito, sinabi ni Urieta na noon pang nakaraang December 2007 nila na­kuha ang impormasyon hinggil dito pero kahapon lamang natanggap ang kumpirmasyon ng banko. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ACCOUNT

ANGIE

BATAY

JOSE VELARDE ACCOUNT

MILYON

ORO

SANDIGANBAYAN SHERIFF ED URIETA

SHY

WATERFRONT PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with