^

Bansa

2 BuCor officials kakasuhan sa Jalosjos ‘escape’

-

Sasampahan ng ka­song administratibo ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang opis­yal ng Bureau of Cor­rections (BuCor)dahilan sa paglabas ng New Bilibid Prisons (NBP) ni convicted rapist Romeo Jalosjos ng walang ka­ukulang permiso noong Disyembre 22, 2007.

Ayon kay Justice Under­secretary Fidel Ex­conde, pinuno ng inves­tigating pa­nel, sa su­sunod na linggo ay ila­labas na nila ang reko­mendasyon upang ma­­isulong ang kasong admi­nistratibo sa mapapa­tuna­yang res­ponsable sa pag­laya ng dating Kon­gresista.

Kabilang sa maaring sa­sampahan ng kasong administratibo at kriminal sina  Supt. Juanito Leo­pando na siyang lumagda ng release order bagamat xerox copy lamang ang dokumentong hawak nito ay pinalaya si Jalosjos.

Gayundin si Manolo Belen, hepe ng Sepa­ration Department ng Bucor na siya namang naghanda ng naturang release order at nagsabi rin na isang “un­signed memorandum” ang kan­yang pinagbasehan sa paggawa ng release order na dapat muna ay pinirma­han ni Teodora Diaz, hepe ng Field operations ng Bucor, subalit hindi nito ni­lagdaan.

Muling itinakda nga­yong Huwebes dakong alas-10 ng umaga ang pagdinig upang matukoy rin kung nasaan ang ori­hinal na kopya ng natu­rang release order. (Gemma Amargo-Garcia)

BUCOR

BUREAU OF COR

DEPARTMENT OF JUSTICE

FIDEL EX

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUANITO LEO

JUSTICE UNDER

MANOLO BELEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with