Car crash sa Riyadh: 5 Pinoy sugatan
Limang empleyado ng Overseas Workers Welfare Administration na nakatalaga sa Philippine Overseas Labor Office ang nasugatan kabilang ang isang nasa malubhang kalagayan sa naganap na sakuna sa
Sa ulat na tinanggap kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alberto Romulo, kinilala ang mga nasugatan na sina Leonardo Eugenio Jr., Taif Dumado, Jimmy Umag, Mario Agustin Menerio at Rene Literal.
Si Eugenio ay nasa kritikal na kondisyon at ngayo’y nasa Intensive Care Unit (ICU) sa King Khalid Military Hospital sa Hafr Al Batin doon.
Ang insidente ay naganap sa pagitan ng alas-3-3:30 ng hapon sa kahabaan ng highway ng
Sa inisyal na impormasyon, lulan ang limang biktima ng Isuzu Trooper patungo sa Sakaka nang biglang sumabog ang gulong ng nasabing behikulo na minamaneho ni Umag.
Tumatakbo umano ang sasakyan sa bilis na 160 kilometers per hour nang pumutok ang gulong nito.
Sa bilis ng takbo ng sasakyan ay makailang beses pa itong gumulong sa highway na ikinasugat ng mga Pinoy. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending