Inilabas kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang advisory hinggil sa regulasyon ng tamang bayad para sa Disyembre 24 at 31, na idineklarang special non-working days, at Disyembre 25, 2007 (Pasko), Disyembre 30, 2007 (Rizal Day) at Enero 1, 2008 (New Year’s Day), na pawang mga regular holidays.
Ayon kay DOLE Secretary Arturo D. Brion, ang Proclamation Nos. 1211 at 1353 na inisyu ni Pangulong Arroyo kung saan idinedeklara ang Disyembre 24 at 31 na special non-working holidays ang ilang regulasyon ay maaaring gawin ang sumusunod:
a) Kung hindi pinasukan ang araw, ipinatutupad dito ang “no work, no pay” principle maliban na lamang kung may kasunduan ang kompanya at ang mga empleyado o kasama ito sa kanilang collective bargaining agreement (CBA) na ipinatutupad ang pagbabayad sa special days;
b) Kung pinasukan naman ang special day mabibigyan pa rin ng 30% para sa walong oras;
c) Kung ang ang special day ay bumagsak sa employees’ rest day at ito ay pinasukan makakakuha ito ng regular pay bukod pa sa 50% na ibibigay sa sobrang walong oras na pagtatatrabaho at dagdag na 30% para sa bawat oras.
Para sa mga regular holidays tulad ng Disyembre 25 at 30 at Enero 1, 2008, ikinokonsidera itog regular workday kung saan maaaring makatanggap ng 100% ng regular daily rate ang sinuman kahit na hindi pumasok at kung siya naman ay papasok maaari naman itong makatanggap ng 200% para sa unang walong oras at dagdag na 30 % para sa dagdag na walong oras na pagtatrabaho. (Doris Franche)