^

Bansa

Sunog sunud-sunod na

-

Dahil sa pagtaas ng insidente ng sunog habang nalalapit ang Kapaskuhan at Bagong Taon, nanawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na iwasan na ang pagbili ng mga mahihinang klase ng “Christmas light” at mag-ingat sa paputok.

Ipinag-utos na ni BFP Director, C/Supt. Enrique Linsangan sa lahat ng regional offices na doblehin pa ang paghahanda at tiyakin na palaging may laman na tubig at nasa maayos na kundisyon ang pagtakbo ng mga fire trucks sa oras ng sakuna ng sunog.

Nagpalabas rin ng payo si Linsangan sa publiko para makaiwas sa sunog. Nangunguna rito ang: 1. pagtanggal ng plug sa electrical outlet kung iiwan ang bahay o bago matulog, 2. huwag hayaang maglaro ng pa­putok ang mga bata, 3. huwag hawakan ito ka­pag sisindihan, 4. huwag mag­sunog ng gulong, 5. mag­hagis ng paputok sa loob ng dram, 6. huwag mamu­lot ng hindi su­mabog na pa­putok, 7. huwag itutok sa kapwa ang mga kwitis at pailaw, at 8. huwag ila­lagay ang anumang uri ng paputok sa bulsa.

Ipinaalala rin nito na matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon, nara­rapat na buhusan ng tubig ang  lahat  ng  mga  kalat na paputok sa kalsada upang maiwasan na wa­lang maaksidente ng mga hindi pa sumasabog na paputok.

Sa rekord ng BFP, magmula Enero hang­gang Oktubre ngayong taon ay umaabot na sa 7,876 ang naitatalang insidente ng sunog sa buong bansa kung saan ang pangunahing mga dahilan ay depektibong electrical  wiring,  short  circuit  at  pag-overheat ng mga kasangkapan. (Danilo Garcia)

BAGONG TAON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DANILO GARCIA

ENRIQUE LINSANGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with