Presyo ng Christmas goods minomonitor

Umapela kahapon si Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa mga negosyante sa lungsod na huwag sa­mantalahin ang Kapas­kuhan upang lalo pang magtaas ng presyo ng mga produktong kara­niwang mabili sa tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Echiverri, karaniwan nang bahag­yang tumataas ang presyo ng mga produk­tong gaya ng tinapay, hamon, pasta, keso at mga prutas dahil sa mas in-demand ang mga ito ngayong panahon ng Kapaskuhan subalit dapat limitahan ito.

Subalit ayon sa Market Division at DTI, kahit may pagtaas sa presyo ng mga produktong ito ay hindi pa rin itong ma­ituturing na profiteering sa panig ng mga negos­yante.

“Huwag sana nating patungan ng higit pa sa tamang presyo ang mga prduktong ito para sa mas masayang pagdi­riwang ng ating mga kababayan,” paalala ni Echiverri.

Hinimok din ni Echi­verri ang mga residente na ipagbigay-alam sa mga kinauukulan sakaling may biglaang iregular na pagtaas sa presyo ng mga “Christmas goods” na ito.

“Maaari po tayong magsumbong sa ating Market Division sa tele­pono bilang 2888811 local 2236 at 2219 at sa DTI hotline 7513330,” payo ni Echiverri.

Show comments