PNP ‘palpak’ sa G-2 blast
Mahigit isang buwan matapos ang madugong pagsabog ng Glorietta 2 mall sa Makati City, patu loy pa ring humihingi ng hustisya ang daan nitong biktima dahil magpahanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na resulta na maipalabas ang Philippine National Police (PNP) kung ano talaga ang ki nalabasan ng imbestigasyon sa kaso.
Bagaman iginigiit nina PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Geary Barias na lahat ng indikasyon ay tumutukoy sa teorya ng gas explosion sa naganap na insi dente, binatikos ng grupo ng mga engineers ang PNP sa anila’y katawa-tawang teorya na ang sanhi ng pagsabog sa Glorietta 2 ay dahil sa natipong me thane gas.
Ayon kay Civil Engr. Dennis Manuel, building administrator sa Cityland Condominium, kung toto ong methane build-up ang sanhi ng explosion, dapat ay nangamoy tulad ng bugok na ilog ang Glorietta mall pero wala namang ganitong pahayag ang mga tao sa mall ng kasagsagan ng pagsabog. Ayon sa kanya, ang itlog na bugok at ang methane ay parehong may hydrogen kaya ito ay mabaho.
Duda ang engineering community sa ginawang pahayag ng pulis lalo pa at ang sinisising pinagmulan ng pagsabog ay ang sump pit sa Glorietta at ang diesel storage dito.
Ipinaliwanag ni Manuel na ang disenyo ng “sump pit” ay hindi maaaring pagmulan ng methane build-up dahil tuloy ang daloy ng tubig o flushing dito, at ma dalas ay mayroon itong compartment na suma sala sa mga dumi hanggang maging malinis na ang tubig at maari na itong ilabas sa kanal. Ang mga naipong labi naman ay dinadala sa waste treatment plant at nagiging pa taba sa lupa. Hindi naman magsasama ang langis (diesel) at ang matubig na methane.
“Kung ito ang anggulo ng mga pulis ay dapat palang matakot ang lahat ng hotel at mga commercial establishment sa ban sa dahil anumang oras pala ay pwedeng pagmulan ng pagsabog ang mga sump pit,” aniya. Ang pahayag niyang ito ay tugma din sa naunang pahayag ng UP Chemistry Society na imposible ang methane gas explosion sa Glorietta. Kahit nga daw ang mga second year college chemistry students ay kaya itong pabulaanan.
Ang dumi rin daw ng tao ay mahirap pagmulan ng methane dahil hindi naman daw nakakakain ng damo (grass eater) ang tao. Katunayan sa mga biogas farms ay dumi ng baboy ang iniipon at gina gamitan ito ng controlled bacteria,
Tinuran din niya na ang semento o thick slabs na gamit sa mga building ay may kakayahang tanggapin ang lakas na 3,000-3,500 na PSI (pounds per square inch)”. Nasisiguro ko na ang Ayala buildings ay gumagamit pa ng mas makapal na cement slabs na ang tanging may kakayanan mapasabog lamang ay isang eksplosibo na direkta o konsentrado ang impact at lakas. Hindi raw kaya ito ng gas explosion lalo pa at napakaliit ng sump pit na pinagdudu dahan ng pulis.
“Dapat diguro ay pag-aralan nila ang presensiya ng RDX na sangkap ng military explosives at wag nila itong balewalain at sabihing sangkap ito ng cosmetics dahil isa itong kasinungalingan,” lahad pa niya.
- Latest
- Trending