Nagpadala na ang Estados Unidos ng spy plane upang tulungan ang Philippine Navy sa paghahanap sa isang combat jet ng Philippine Air Force (PAF) na pinalilipad ng dalawang piloto ng mawala habang nagsasagawa ng security patrol operations kamakalawa sa Kalayaan Islands sa pinag-aagawang Spratly Islands.
Sinabi ni Phil. Air Force (PAF) spokesman Lt. Col. Epifanio Panzo, kasalukuyang sinusuyod ng US spy plane P3 Orion ang karagatan ng Kalayaan sa pagbaba kasakaling mahanap ang nawawalang S2 -11 jet na lulan sina Capt. Bonifacio Soriano at Capt. Gavino Mercado na hindi man lamang nagawang makaradyo sa kanilang himpilan sa Antonio Bautista Airbase sa Puerto Princesa City.Ang nasabing S2-11 ay nawala matapos na salubungin ng malakas na hangin sa himpapawid sanhi ng masamang lagay ng panahon.
Kaugnay nito, grounded na ang lahat na nalalabi pang S211 jets bilang bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP) ayon sa kautusang ipinalabas ni PAF Chief Lt. Gen. Horacio Tolentino. (Joy Cantos)