^

Bansa

Ban sa importasyon ng imported cars may negatibong epekto - ULAP

-

Kinalampag ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang pama­halaan kaugnay sa nega­tibong epektong dulot ng pag-ban sa impor­ tasyon ng mga imported used vehicles na mismong ang mga lokal na pama­halaan ang apektado.

Sinabi ni ULAP spokes­person Eastern Samar Gov. Ben Evar­done na bukod sa mga lider ng mga lokal na pamahalaan ay umaaray na  rin  ang  mga  small  and me­dium enterprises (SMEs) sa pagbabawal ng importasyon ng mga na­sabing sasakyan.

Napapakinabangan ng mga lokal na pama­ halaan ang mga imported na sa­sak­yan na dahil sa mas mura ito, ay siyang pinipiling gamitin sa paghahatid ng serbisyo sa mga nasasa­kupan ng mga ito, wika ni Evar­done.

Nabatid na ginagamit ng mga LGU ang mga mura subalit maayos namang mga sasakyan bilang ambulansya, mini truck van at 4x4 utility vehicles.

 “These local government officials have been airing their concern because they are relying mostly on cheap, imported used utility vehicles since they cannot afford to buy new ones when they go to far-flung areas to serve their constituents,” ani Evardone.

Nangangamba si Evar­done na manaig ang uma­no’y matinding pag-lobby ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (Campi) para sa tuluyang pagba­bawal ng mga imported na sasakyan na makapasok sa Subic. (Butch Quejada)

BEN EVAR

BUTCH QUEJADA

CHAMBER OF AUTOMOTIVE MANUFACTURERS OF THE PHILIPPINES INC

EASTERN SAMAR GOV

EVAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with