Pag-iisyu ng protocol plate, pinahihigpitan sa LTO
Hinimok ng mga kongresista sa Kamara na higpitan ng Land Transportation Office ang pagbibigay o mga kumukuha ng protocol plate o yong mga numero 8 plaka na ginagamit ng mga kinatawan ng Kongreso para maiwasan na magamit ito sa paggawa ng krimen.
Sinabi ni Ang Waray party-list Florencio Noel, na kailangan mag-ingat at beripikahing mabuti ng LTO ang pagbibigay ng plaka sa mga kongresista sa House of Congress para maiwasan itong magamit sa kalokohan.
Magugunita, nakunan ng plate number na 8 ang mga suspect sa pagbobomba sa Kongreso kamakailan.
“Kailangan mga kongresista lang ang gagamit ng plakang 8,” ani Noel.
Samantala, bawal ng pumasok sa bisinidad ng Kongreso ang mga motorsiklo, side car, bisikleta at iba pa para maiwasan ang nangyaring pagbobomba kamakailan.
Magugunita, na ang pagsabog sa South Wing ng Kamara na ikinamatay ni Basilan Rep. Wahab Akbar at tatlong iba pa at ikinasugat ng may 10 katao ay galing sa isang nakaparadang motorsiklo na sumabog. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending