^

Bansa

Modus sa rehistro ng mga sasakyan

-

Plano ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) na agad kanselahin ang permit ng isang private emission test center (PETC) kapag napapatunayang luma­bag sa batas at patakaran ng ahensiya sa emission program ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni LTO Chief Reynaldo Berroya hinggil sa patuloy na modus operandi ng ilang tiwaling PETC sa pag­sasagawa ng non-appearance sa mga irere­histrong sasakyan.

Sa kasalukuyan, kahit pa dumadaan sa web cam o litrato ang mga sasakyan na irerehistro sa LTO, may nakakalusot pa rin at nag­ sasagawa ng non-appear­ance dahil sa ku­tsa­bahan ng PETC at ng IT provider nito.

Sa kasalukuyan, ta­nging suspension ang naipaparusa ng LTO sa mga nahuhuling nagsa­sagawa ng non-appearance at multang P30,000 kada violation.

May 45 PETCs sa ngayon ang iniimbes­tigahan ng LTO committee para dito.

Unang napatunayan ng LTO ang 18 PETCs na nagsasagawa ng “non appearance” sa emission test sa sasakyan sa pa­mamagitan ng pag-”crop” ng litrato ng sasakyan at paggamit ng isang sa­sakyan lamang pero pi­napalitan ang plate number ng irerehistrong sa­sakyan. 

Sa mga PETC na ito, hindi na dinadala ang sasakyan sa emission test center para sa emission test. Sa halagang P700, maaari ng mag­bigay ng emission test certificate ang tiwaling PETC at IT provider sa isang car owner na ma­usok ang sasakyan.  (Angie dela Cruz)

ANGIE

CHIEF REYNALDO BERROYA

CRUZ

EMISSION

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with