Razon sa DSAS ’07 part II

Inaasahang dadalo si Director General Avelino Razon Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP), bilang guest of honor and speaker sa opening ceremonies ng Defense & Sporting Arms Show (DSAS) 2007 Part II na gaganapin sa Megatrade Hall 1 ng SM Megamall, Man­da­luyong City sa ika-22 ng Nobyembre

Ang pagbubukas ng apat na araw na DSAS 2007 Part II ay sang-ayon na rin sa pagtatapos ng nationwide gun ban ng Comelec sa Nobyembre 15 kaugna­y sa pag­daraos ng Ba­rangay at Sang­guniang Ka­bataan elections.

Ilang makabagong firearms, karamihan ay kinabi­bilangan ng mga handguns, na pawang mga imported at locally manufactured products ang nag­hihintay para sa mga magtutungo sa pinaka­matagal at pinakamalaking gun show sa Pilipinas. Ma­ging ang mga high-powered firearms at assault weapons, na dating para sa exclusive viewing lamang ng law enforcers at military personnel tuwing gun show, ay maipa­pa­kita na rin sa publiko ng iba’t ibang gun manufacturers.

Sponsors ng DSAS 2007 Part 2 ang Crossover 105.1 FM; DZRH; DZSR; DWDD; DZHH; Manila Bulletin; Business Mirror; Pili­pino Star Ngayon; Philippine Graphic magazine; Total Security Systems, Inc.; Leisure Vacation Suites (formerly Lexber); Ansmann Logo (for Sky­star); Digital Resource Corp.; at yehey. com.

Show comments