Hukom pinagmulta sa kaprangkahan
Pinarusahan ng Korte Suprema ang isang huwes na prangkahan at bulgaran ang pananalita sa mga litigant na babae, na hindi dapat ugaliin nito alinsunod sa New Code of Judicial Conduct for the Philippine Judiciary.
Naging bastos sa pananalita si Judge Anastacio C. Rufon, ng Branch 52, Bacolod City Regional Trial Court (RTC) at isa sa reklamong inihain laban sa kaniya ng litigant na babae ang pagsasabi nito sa pagdinig na “ ..laging ibuka ang mga hita nito at kamay sa tuwing darating si mister.”
Batay sa desisyon ng Supreme Court, sinabi nito na tama lamang ang naging rekomendasyon ni Court of Appeals Justice Rebecca De Guia-Salvador na nag-imbestiga sa kaso ni Rufon na maparusahan ito.
Guilty ang hatol ng CA kay Rufon sa kasong administratibo kaugnay sa paggamit nito ng bastos at prangkahang mga salita nang hindi binibigyan ng konsiderasyon ang pagiging babae ng litigant.
Bunga nito, pinatawan ng multang P5,000 si Rufon at pinaalalahanan na hindi na dapat pang maulit ang katulad na pangyayari. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending