^

Bansa

DFA kumilos sa 9 Pinoy na kinidnap sa Somalia

-

Pinakilos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tatlong emba­ hada ng Pilipinas sa Japan, Kenya at Malaysia upang mapabilis ang pagresolba sa  siyam na Pinoy seamen na kabilang sa 23 kataong kinidnap ng mga pirata sa Somalia noong Linggo. 

Nabatid kay DFA spokesman Claro Cristobal, nasa maayos nang kalaga­yan sina Capt. Restituto Bulilan, Master; Chief Officer Melchor Cayabyab; Loreto Quiles, 2nd officer; Rey­mundo Panaligan Jr., 3rd officer; Mario Ocenar, Chief Engineer; Adelino Amparo, 1st Engineer; Engr. Virgilio Lotoc, 2nd Engineer; Lau­rino Villanueva, bosun at Ismael Perez, chief cook.

Kabilang sila sa 23-man crew ng ‘Panama Golden Nori’ tanker na pag-aari ng Despina Shipping Co. ng Japan.

Ang chemical tanker ay may karga umanong benzene, isang uri ng highly flammable material.

Sinasabing ang kapitan at chief engineer ng nasa­bing tanker ay mga Ko­reano. Bihag din ang mga tripulanteng Burmese at Myanmar nationals.

Ang Philippine Embassy sa Kenya ang may huris­diksyon sa Somalia, habang pag-aari naman ng isang Japanese-based shipping firm ang barko na sinakyan ng mga bihag na Pinoy crew.

Samantala sa Kuala Lumpur naman nakabase ang International Maritime Bureau na siyang nagmo­monitor ng lahat ng kaso ng piracy sa buong mundo. (Joy Cantos)

ADELINO AMPARO

ANG PHILIPPINE EMBASSY

CHIEF ENGINEER

CHIEF OFFICER MELCHOR CAYABYAB

COUNTRY

PLACE

REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with