Bagong buwis, ‘di na kailangan — GMA
Iginiit kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hindi kailangang magpatupad ng mga bagong pagbubuwis dahil marami na tayong pamamaraan upang mapataas ang revenues sa pamamagitan ng epektibong tax administration.
Sa talumpati ni Pangulong Arroyo sa International Conference on Integrated Taxation sa Dumaguete City, malaki ang nagawa ng pagpapatupad ng Expanded Value Added Tax (EVAT) upang lalong lumago ang ekonomiya.
Sinabi ng Pangulo, dahil dito ay bumaba ang ating budget deficit sa taong ito at inaasahang mababalanse na ito sa 2008. Ipinaliwanag pa ni Mrs. Arroyo, hindi na kailangang magpatupad ng mga bagong taxes dahil marami na tayong pamamaraan upang makalikom ng revenues. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending